BICOL-MAN

"Be Cool Man"

Ibalon: Panahon Ng 3 Bayani Sa Bicol


From | http://www.elaput.org/almat14.htm

IBALON ang awit ng giting (epic) ng 3 bayani sa pakikibaka laban sa mga halimaw upang iligtas at tulungan ang mga tao nuong Unang Panahon ( prehistory). Nuong wala pang pangalan ang Bicol. Maaaring 3 o higit pang kasaysayan, naihatid itong halu-halong awit-giting (epic) sa kasalukuyan ng mga ‘Kadugnung,’ ang mang-aawit at makata na tanging naglalahad ng mga nakaraang pangyayari nuong hindi pa marunong sumulat ang mga Unang Tao (aborigines).

Ang 3 bayani – sina Baltog, Handyong at Bantong – ang sumabak, pumatay at nagpalayas sa mga hayop at halimaw na dating nagmalupit sa Bicol. Tulad ng 2 sawa (boa constrictor) – ang babaing Oryol at ang duling (bizco, cross-eyed ) na Sarimao. Ang dambuhalang baboy-damo (varraco salvaje, wild boar), si Tandayag. Ang halimaw na Buaya (crocodile). Si Buringkantada na iisa ang mata (cyclop). Si Angongoluod, ang bakulaw. Si Rabot na kalahating tao at kalahating hayop. Si Tambaluslos na may katawan ng kambing (cabrio, goat). Ang mga pating (triburones, sharks)…

Baltog

NAGLIPANA pa ang mga halimaw nuong unang pumasok si Baltog sa mayamang lupa ng Ibalon. Balot ng madilim at masukal na gubat ang buong puok nang nagsimula siya, ang kauna-unahang nagtanim at nagbahay duon. Sinasabi pa sa mga alamat na alaala pa ng mga matanda na si Baltog ang kauna-unahang tao na sumuong sa Ibalon.

Ipinanganak si Baltog sa Boltavara, sa magiting na angkan ng mga Lipod, at simula’t simula pa, may taglay na siyang hiwaga (encanto, magic):

Handiong

MAY kasamang pangkat ng mga mandirigma ang bayaning Handiong nang dumating sa Ibalon. Marami silang panganib na sinuong, at libu-libong ulit sila nakipag-digmaan upang magapi ang mga halimaw na dinatnan nila. Una nilang nakasagupa ang mga dambuhala (higantes, giants), tig-iisa lamang ang mga mata (cyclops, one-eyed ), sa lupain ng Ponon.

Nagtatag si Handiong ng isang nayon sa Isarog, at nagsimula ang panahon ng pag-unlad para sa mga tagaruon. Sa kanyang pasimuno, nagtanim ang mga tao ng uri na palay na tinawag nilang “handiong” bilang parangal sa kanya. Si Handiong ang gumawa ng unang bangkang pandagat (bote marinero, sea canoe) sa Ibalon. Dahil sa halimbawa niyang ito, nahikayat ang iba’t ibang tao duon na tumuklas (invent) din ng sari-saring kagamitan.

Isang lalaki, si Ginantong, ang tumuklas at gumawa ng layag (vela, sail) at ugit (timon, rudder) na gamit pangtulak at pang-asinta sa paglakbay ng bangkang tinuklas ni Handiong. Si Ginantong din ang tumuklas ng araro (arado, plow), parihuela (carrito, wheelbarrow) at iba pang kagamitan (utiles, tools) sa pagbubukid. Ang iba pang si Ginantong daw ang unang gumawa ay suklay ( peine, comb) at ganta, sukat ng bigas o palay na katumbas ng 3 sa 4 bahagi (3/4) ng isang kilo.

Iba pang lalaki, si Hablom, ang tumuklas sa “hubulan” (telar, loom, “habian” sa Tagalog) na gamit pa hanggang ngayon panghabi ng tela (cloth). Samantala, ang matalinong Sural daw ang tumuklas sa panitik (abecedario, alphabet) at unang sumulat sa puting bato. Maniwaring may paaralan daw siya dati sa isang bahagi ng Peñafrancia Avenue sa kasalukuyang lungsod ng Naga.

 

 

Bantong

MAHABANG panahon mapayapang umunlad ang Ibalon sa pamumuno ni Handiong subalit walang magandang palad (suerte, luck) na nagtatagal, at ang Bicol, mula pa nuong Unang Panahon ay lagi nang sinalanta by marahas na kalikasan. Sumapit ang panahon ng malaking baha ( flood ) na pinawalan sa lupa ni Unos (borrasca, storm).

Tapos, nagsimula ang sunud-sunod na lindol (terremoto, earthquakes), sinabayan pa ng pagsabog ng 3 bulkan – ang Hantik, ang Kolasi at ang Isarog. Bumaon ang lupa, pati mga bundok ay gumuho, at maraming nayon sa Ibalon ang nawasak. Napunit din ang lupa mula sa Kalabanga hanggang sa Ponon, sa Magarao, na tinatahak ngayon ng ilog Inarihan.

Sa lakas ng mga lindol, umangat ang Pasacao mula sa dagat, pati na ang pulo ng Kotmo na bahagi ng Pasacao. Sa Kotmo ang tahanan ng isang halimaw, si Rabot, ang dambuhala (gigante, giant) na may katawang kalahati ay tao, at kalahati ay hayop (half-man, half-beast). Mabagsik ang kanyang kapangyarihan.

Inutusan ni Handiong ang kanyang kaibigan, si Bantong, upang puksain si Rabot. Nagsama ng 1,000 mandirigma si Bantong subalit talino, at hindi lakas ng katawan, ang ginamit niya laban sa halimaw. Hindi nila sinugod agad ang lungga (guarida, den), kundi nagmanman muna upang maunawaan ang ugali ni Rabot. Nakita ni Bantong ang malalaking bato (piedras, rocks) na nakapaligid sa lungga – mga tao na ginawang bato ni Rabot.

Pagtagal, namalayan ni Bantong na madalas at mahimbing matulog ang halimaw. Kaya minsang tulog si Rabot, ginapang siya ni Bantong. Sinaksak ng bayani sa dibdib si Rabot at namatay ang halimaw.

Nagbalik ang katahimikan sa Ibalon.

One response to “Ibalon: Panahon Ng 3 Bayani Sa Bicol

  1. Pingback: 2010 in review « BICOL-MAN

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: