BICOL-MAN

"Be Cool Man"

Venus Raj still mulling over career path to take; says she’s not been in any “major-major” showbiz issue, so far


Source: pep.ph1 hour 35 minutes ago

Walang duda na pagkatapos niyang tanghalin bilang Miss Universe 2010 4th runner-up ay isa na si Maria Venus Raj sa pinaka-in demand na celebrities ngayon.

Kabi-kabila na ang offers sa 22-year-old beauty queen mula sa tatlong malalaking networks—ABS-CBN, TV5, at GMA-7.

Kamakailan nga ay napabalitang inalok siya para siya maging co-host ni Willie Revillame sa programang Willing Willie sa TV5 (CLICK here to read related story).

Bukod sa TV appearances niya ay meron na ring product endorsements si Venus. Kaninang hapon nga, November 11, ay ipinakilala ang Bicolana beauty bilang bagong endorser ng conditioner brand na Cream Silk sa Lu Restaurant sa Joya South Tower sa Makati City.

Sa dami ng mga nabubuksang posibilidad para sa kanya, sinabi ni Venus na kailangan muna niyang pag-isipang mabuti ang kanyang mga hakbang at ikonsulta ang lahat sa Binibining Pilipinas Charities, Inc., kung saan meron siyang isa’t kalahating taon na kontrata.

“Actually, ang dami-dami kong gustong gawin. Parang sa sobrang dami po, hindi ko na po alam kung ano uunahin ko,” sabi ni Venus.

CAREER PATH? Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin si Venus kung ano ba ang career path na mas gusto niyang tahakin sa pagpasok niya sa show business—acting o hosting?

“Well, ang hosting po kasi, maganda siya kasi light lang. Parang napapakita mo kung anong personality meron ka.

“Yung acting, something na challenging, e. Bibigyan ka ng role na hindi naman ikaw ‘yon,” sagot niya.

Ngunit ayon kay Venus, hindi naman niya isinasara ang kanyang pintuan sa posibilidad na umarte siya sa harap ng kamera.

“Pero it’s something challenging na kaya ko din palang maging ibang tao. Pero hindi ko alam kung kaya ko siya. Pero feeling ko, kakayanin ko siya!” nakatawang sabi ng morena beauty.

ON WILLING WILLIE. Tinanong din ng PEP kay Venus ang tungkol sa offer sa kanya ni Willie Revillame na maging co-host sa Willing Willie.

“I think okay na yun, e. Kasi, di ba, may bago nang host? Parang wala pa naman ding sinasabi ang Binibining Pilipinas.

“And nung napanood ko, ‘Ay, siguro yun na yung bagong host nila!’ So, okay na din po ako. At least, may final decision na,” sabi ni Venus.

Ang tinutukoy ni Venus na “bagong host” ay si Valenzuela Councilor Shalani Soledad na ini-launch bilang co-host ng Willing Willie noong Lunes. November 8. (CLICK here to read related story.)

Kung saka-sakali, sino ba ang mga gusto niyang makatrabaho sa hosting man o sa acting?

“Ako, basta sino po, basta alam ko na mabait at wala namang gagawing masama sa akin,” ani Venus.

GTTING TO KNOW SHOWBIZ. Ngayong celebrity na rin ang status ni Venus sa showbiz, hindi maiiwasan na magkaroon siya ng mga isyu at intriga. Anong tingin niya rito?

“Dati akala ko pag lumabas na news about sa isang artista, totoo. So, maniniwala ako. So, si ganito, ganito, ganyan. Pero ngayon na alam ko na yung about show business, hindi pala lahat ng news na lumalabas totoo.”

Dagdag pa niya, “As long as alam mong hindi mo ginawa, or alam mo kung ano ginagawa mo talaga, hindi mo kailangang magpaapekto.”

Meron na bang matinding isyu na nakaapekto nang matindi sa kanya?

Hindi pa naman po. Wala pa naman pong major-major!” nakatawang sagot ni Venus.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: