BICOL-MAN

"Be Cool Man"

Maria Venus Raj builds a new house near their bahay kubo in CamSur


source: gmanews.tv

 

PEP: Masayang-masaya ngayong taon ni Bb. Pilipinas-Universe at Miss Universe 2010 4th runner-up Maria Venus Raj dahil maraming blessings ang dumating sa kanya.

Ang mga pinagdaanang pagsubok, napalitan lahat ng magagandang biyaya.

Una na rito ang pagpapatayo niya ng bahay sa hometown niya sa Bato, Camarines Sur.

Binili ni Venus ang bakanteng lote na nasa tabi ng kanilang bahay kubo sa probinsiya at doon siya nagpapatayo ng bahay ngayon.

Ayon kay Venus, “Isa ito sa matagal ko nang ipinagdarasal kay God. Na mabigyan ko ng magandang bahay ang aking ina at mga kapatid.

“Bata pa lang ako, yun na ang pangarap ko at ngayon natupad na. Kaya masayang-masaya ako kasi nga nakikita na namin ang matagal na naming gusto.

“Habang ginagawa nga ang bahay, araw-araw akong nagpapasalamat kay God sa pagtupad niya ng matagal ko nang hiling.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Venus sa thanksgiving/Christmas party ng Mercator Models noong December 15 sa Casa Pura sa Quezon City.

BAHAY KUBO. Ang magandang ginawa ni Venus ay hindi niya ipinagiba ang kanilang bahay kubo na nasa tabi ng binili niyang lote kunsaan tinatayo ang kanilang bagong bahay.

Gusto raw kasi ni Venus na maging reminder ang bahay kubo sa naging simpleng buhay nila noon sa Bato.

“Hindi ko talaga pinatanggal yung bahay kubo namin doon dahil gusto kong nakikita ko pa rin ‘yon kapag umuuwi ako doon.

“Doon sa bahay-kubo na ‘yon ako nagsimulang mangarap at buuin lahat ng mga pangarap ko sa buhay,” pag-alala pa ni Venus.

“Tsaka siyempre, kapag may isa sa mga kapatid ko ang nakalimot sa dati naming buhay, nandiyan pa rin ang bahay kubo namin para ipaalala sa kanila na kung hindi dahil sa bahay kubo na ‘yon ay hindi kami makakaranas na magsumikap at magkaroon ng magandang buhay.

“Every now and then, gusto kong balikan ang dati naming buhay. Hindi ko ikinakahiya ‘yon.

“Kung ano ako ngayon, iyon ay dahil sa naging buhay namin noon. Kaya hindi dapat mawala ang bahay kubo dahil diyan lahat nabuo ang mga pangarap ko.”

TOURIST SPOT. Kuwento pa ni Venus, nagiging tourist spot na ang bahay kubo nila sa Bato.

Tuwing may mga turista na dumarayo sa Bato, hinahanap nila ang bahay-kubo ni Venus at magpapa-picture sila doon.

“Nakakatuwa naman, di ba? Parang nakatulong ako kahit papa’no sa tourism ng Bato!” tawa ni Venus.

“Marami nang nakarating sa bahay kubo namin at nagpapa-picture sila doon.

“Hindi raw sila papayag na umalis sa Bato na hindi napupuntahan ang bahay kubo namin. Pero kapag tapos na ang bahay, puwede na rin silang magpa-picture doon.”

PROMDI. Bakit sa probinsiya pa rin naisipan ni Venus na magpundar ng bahay samantalang puwede naman sa Manila na lang?

“Part ‘yon ng promise ko sa aking ina,” sagot ng beauty queen.

“Ayokong malayo rin sa dating naging buhay namin.

“Tsaka sobrang mura ang mga lupa sa probinsiya kaya I grabbed that opportunity.

“Gusto ko rin na kapag may mga bisita kaming dumarating sa Bato, maa-accommodate na namin sila doon. Unlike noon na talagang siksikan kami sa bahay kubo.

“At least, kapag nagawa na ang bahay, mae-entertain na namin sila nang maayos.

“E, ang dami naming magkakapatid at marami rin kaming mga kamag-anak sa probinsiya.”

HER FIRST CAR. Kabilang din sa mga natupad na wishes ni Venus ay ang magkaroon ng sarili niyang kotse.

Nakabili na si Venus ng second hand na black Toyota Altis at ito ang gamit niya sa kanyang mga pinupuntahang trabaho. Marunong na raw siyang mag-drive kaya enjoy siyang imaneho ang kanyang kauna-unahang kotse.

“Nakakatawa nga kasi noong pinagpraktisan ko nang i-drive yung kotse, lagi kong nagagasgas at minsan muntik na akong mabunggo!” tawa niya.

“Pero part ‘yan ng excitement ko, di ba?

“Noong mabili ko nga siya, na mura lang naman kasi second hand, tinitigan ko talaga nang husto at hinawak-hawakan ko ang lahat ng bagay sa loob.

“Hindi ako makapaniwala na I have my own car.”

Una raw na nakasakay sa kanyang bagong kotse ang kanyang pamilya nang ipasyal niya ang mga ito sa isang mall.

“Si Mama ang una kong sinakay, tapos ang mga kapatid ko, then ang mga pamangkin ko.

“Natuwa naman sila kasi naka-drive ako papunta sa mall. Magaling na raw ang driver.

“Sa susunod naman ay long drive ang gagawin namin.

“Gusto kong mamasyal kami sa Batangas or sa Tagaytay. Yung kami-kami lang family para masaya parati.”

CHRISTMAS. Speaking of family, dito sa Manila magpa-Pasko ang buong pamilya ni Venus. Lahat daw ng kanyang kapatid at mga pamangkin ay darating sa Manila at sama-sama sila sa Pasko.

“First time naming lahat na mag-Christmas sa Manila. Ang dami ko kasing pamangkin at gusto kong ma-experience nila ang Pasko dito sa Manila.
“Siyempre, ang mga kapatid ko, nandito lahat at pinakaimportante ay ang mama ko.

“Parati kaming magkasama ni Mama ngayon and I am so happy na pumayag siyang dito sa Manila mag-Pasko.

“Sa Bato kasi, simple lang ang Pasko namin. As in, sobrang simple lang.

“Kung ano ang meron sa lamesa sa Noche Buena, pinapasalamatan namin. Ang importante ay sama-sama kaming lahat.

“Kaya this year, ako ang Santa Claus nila. Kung noon, naghihintay lang ako na bigyan ako ng regalo, ngayon ako na ang magreregalo sa kanila.

“I want to share my blessings sa pamilya ko. Lahat ng mga natanggap ko this year, be it good or bad, ay galing kay God.

“Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya for making it all happen sa akin at sa family ko.”

LOVELESS IN CHRISTMAS. Pero loveless pa rin si Venus ngayong Pasko.

Okey lang daw ‘yon dahil hindi naman daw niya priority ang magkaroon muna ng boyfriend kahit na may mga nanliligaw sa kanya ngayon.

“Mahirap kasing pasukin ang ganyan kung hindi ka pa handa to prioritize a relationship.

“Right now, my family and my career ang importante. Wala munang sisingit sa mga plano ko for my family.

“But I appreciate naman na may mga nagpaparamdam diyan at nagpapalipad-hangin sa akin.

“Hanggang doon lang kasi iba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko and it does not involve a man right now.

“Darating din ang araw na ‘yan para sa akin. Pero ngayon, it’s my career and my family ang nasa top ng listahan ng priorities ko,” saad ni Venus. – Ruel J. Mendoza, PEP

 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: