BICOL-MAN

"Be Cool Man"

Venus Raj says money is not the only reason she signed up with ABS-CBN


Source: pep.ph

Venus Raj says money is not the only reason she signed up with ABS-CBN

Tuloy-tuloy na ang pagpasok ng mga oportunidad ngayong bagong taon para sa Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj.

Bukod sa pagrampa, pinasok na rin ni Venus ang concert scene. Isa kasi siya sa special guests ni Christian Bautista sa upcoming Valentine concert ng singer titled My Beautiful Girls.

Gaganapin ang concert sa mismong Araw ng mga Puso, February 14, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Makakasama rin sa concert ang reigning Bb. Pilipinas-International na si Krista Kleiner at ang Miss Resorts World 2010 na si Wendy Tabusalla.

Sa concert ay dalawang kanta ang aawitin ni Venus—isang solo at isang ka-duet si Christian.

“Yung dalawang song na kakantahin ko, mag-iisang buwan ko na pong pinag-aaralan! Hindi naman po talaga ako sanay kumanta, pero lahat naman po puwedeng pag-aralan.

“Gusto ko din pong ipakita sa tao na, ‘Yes, rumarampa ako, pero may konti-konting talent din naman ako. Puwede naman po siguro pag-aralan para po mapasaya yung mga tao,” saad ni Venus sa presscon ng My Beautiful Girls kaninang tanghali, January 26, sa Café Republiq, Resorts World.

ABS-CBN CONTRACT. Pagkatapos ng presscon proper, nakausap ng PEP si Venus. Kinumusta namin ang tungkol sa pagpirma niya ng kontrata sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

“Yung Binibing Pilipinas kasi yung nakikipag-negotiate sa kanila, so minsan ini-inform na lang nila ako na ganito-ganito yung napag-usapan,” paliwanag ni Venus.

Pagpapatuloy niya, “Pero since, yun nga, Binibining Pilipinas signed the contract with ABS-CBN for five years, I think it would be better naman na yung nagma-manage sa akin na Binibining Pilipinas, makakasama ko pa rin sa…

“Siyempre, Binibining Pilipinas, ine-air nila [ABS-CBN], alangan naman nasa ibang channel ako? It would be mas madali sa part ng ABS at sa Binibining Pilipinas.”

Pero nilinaw ni Venus na kasama rin siya sa decision-making process.

Anu-ano ba ang considerations niya sa pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN?

“Well, kasi… Oo, may money na involved. Siguro isa yung sa mga kelangan i-consider, pero hindi naman lahat-lahat talaga pera, di ba?” sabi ni Venus.

Isa sa mga ibinigay na dahilan ni Venus ay ang renewed relationship ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) at ng Kapamilya network.

Naging mag-partner na ang BPCI at ABS-CBN 12 years ago bago ito lumipat sa GMA-7.

“Siguro, ano lang, mas maganda kasi yung relationship din kung kasama ng Binibining Pilipinas ang ABS and mapapadali ang lahat since ako ang reining queen at ako ang magte-turnover,” aniya.

Matatapos na ang term ni Venus sa Binibining Pilipinas sa darating na Marso.

Excited din na kinuwento ni Venus ang mga inihahandang mga proyekto ng ABS-CBN para sa kanya.

“Hosting and then meron ding morning show na anchor…parang ganun.”

Ayon kay Venus, ia-announce ng ABS-CBN ang mga shows na ito sa February.

LEADING MAN. Para naman sa posible niyang makapareha, nabanggit na niya sa isang interview ng PEP na gusto niyang makapareha si Coco Martin kung saka-sakali. Seryoso ba siya sa sinabi niyang ‘yon?

“Yes, I am,” ang mabilis na tugon ni Venus.

“Before, he went to Bicol. Nando’n kami ng mga friends namin nag-aabang sa kanya para makita siya. Nakita ko siya nang personal, pero sobrang konting-konti lang.

“Siguro, that time, siya lang yung artista talaga na nakita ko nang malapitan. And I really admire [him] kahit na noong college pa ako,” kinikilig na sabi ni Venus.

Ngunit aminado ang 5’9″ stunner na mahihirapan silang pagtambalin dahil sa kanyang height.

“Pero siguro nga dahi sa sobrang tangkad ko, hindi ko alam kung okay lang yung ganun na makasama ko siya. Pero para sa akin, kahit na sino ang i-pair ng ABS, okay lang,” aniya.

Sinu-sino pa ba ang ibang choices niya?

“Si Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Sino ba naman ang aayaw sa kanila na talagang iniidolo ng lahat?” sagot ni Venus.

NEW HOUSE. Kinumusta rin ng PEP ang ipinapagawa niyang bahay sa kanyang hometown sa Bato, Camarines Sur.

“Hindi pa po siya natatapos, siguro kasi sa lack of materyales, pambili ng mga ganun. Pero sabi ko nga, ang dami-daming mga blessings na dumarating at February siguro magre-resume na ulit yung construction,” pag-a-update ni Venus.

Two-bedroom house ang ipinagagawa ni Venus sa harap ng kanilang nipa house. Pero hinding-hindi raw ipapatanggal ni Venus ang dati nilang bahay.

“Sabi ko sa family ko, ayaw kong patanggal ‘yon kasi yung mga tao naman, nagbabago talaga pag maraming changes ang nangyari sa buhay mo. Siguro when the time comes na iniisip nila na iba na tayo, parang huwag naman ganun. Tumingin ka sa bakuran natin, ‘yan pa din yung pinanggalingan natin.

“Huwag lang magbago na lumaki ang ulo o siguro lumakas ang hangin,” saad ni Venus.

Sa lahat-lahat ng mga nangyayari sa buhay ngayon ni Venus, ito ang kanyang nasabi:

“Alam mo, siguro alam naman ng lahat yung mga nangyari sa akin before. Then, yung mga nangyayari ngayon.

“It’s like siguro… I’m very very blessed. Ganun na lang iniisip ko kasi hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng opportunity na mabigyan ng ganito karaming blessings.

“So, pinagpe-pray ko na lang at pinagpe-pray at pinasasalamatan na sana continuous yung blessings.

“Siguro, hindi naman kasi ako naghahangad ng sobra. As in yung kakayanin lang ng katawan ko, ng health ko, pinagpre-pray ko na lang.”

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: